top of page
Search

LINGGO NG WIKA SY: 2026-2027 (SENIOR HIGH SCHOOL)

Writer: Knowledge and Information Resource Network
Knowledge and Information Resource Network
Sep 30
1 min read

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika, matagumpay na nagsagawa ang BEU Libraries ng iba’t ibang gawaing pang-aklatan kaugnay ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”


Layunin ng mga isinagawang aktibidad na mapalaganap ang paggamit at pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa pagbabasa, pag-aaral, at pananaliksik. Binigyang-diin din ang responsable at wastong paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian sa aklatan bilang katuwang sa pagkatuto at pagkuha ng impormasyon.


Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nahikayat ang mga mag-aaral na higit na gamitin at pahalagahan ang Wikang Filipino, mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pananaliksik at pagsusuri ng impormasyon, at maging mas responsable sa paggamit ng AI at iba pang digital at tradisyonal na sanggunian. Nakatulong din ang mga aktibidad upang mapalalim ang kanilang pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino bilang mahalagang bahagi ng kanilang pagkatuto.



FILIPINO BOOK DISPLAY



Isang pagtatanghal ng mga aklat na tumatalakay sa panitikang Filipino, kasaysayan, kultura, at mga akda ng mga kilalang manunulat na Pilipino upang mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa at higit na makilala ang ating panitikan.

 
 
 

Comments


wbKirn.png

© 2026 St. Paul University Philippines-Knowledge and Information Resource Network. All Right Reserved.

​Mabini St., Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan, Philippines 3500

Managed by: Electronic Sources Librarian

bottom of page